Monday, February 3, 2014

Hintay
Lyrics by: Christian Linag

Verse

Simula ng ika’y lumisan
Puso ko’y labis nang nahirapan
Nalulumbay sa tuwing nag-iisa
Kakapit na lamang ba sa ating alaala

Nagtatanong kung anong dapat gawin
Upang ika’y muling mapasaakin
Hindi ko man maibigay mga bituin
Buong puso naman kitang mamahalin

Chorus:
Sana’y pakinggan itong awitin
Nang malaman mong ang nais ko’y ikaw pa rin
Araw-araw kong dinadalangin
Na pag-ibig mo’y muling ibaling sakin
Kahit saan man ako dalhin ng hangin
Patuloy kitang hihintayin

Verse
Simula ng ika’y mawala
Pagluha ko’y hindi na humupa
Nalulungkot sa tuwing nag-iisa
May pag-asa pa bang ika’y muling makasama

(Repeat Chorus)

Sana’y pakinggan itong awitin
Nang malaman mong pag-ibig ko’y ikaw pa rin
Araw-araw kong hinihiling
Pagtingin mo’y muling ibaling sakin
Kahit saan man ako dalhin ng hangin
Patuloy kitang hihintayin

Hihintayin…..hihintayin…. Hihintayin kita.